NEWS UPDATES

8 megawatts na load dispatch mula sa TMI, ginagamit na ng Cotelco; pero 1 oras na brown-out tuwing gabi; aasahan pa rin daw

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Simula alas 5:00 kahapon ng hapon ay ginagamit na ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ang 8 megawatts na load dispatch mula sa Therma Marine Inc. o TMI isang private barge na pag-mamay-ari ng Aboitiz.

Ito ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez bagaman sinabi nitong walang brown-out sa araw pero aasahan pa rin ang isang oras na power interruption sa gabi.

Aniya, gumagawa naman sila ng hakbang para kung di man tuluyang malutas ay maibsan lamang ang napakahabang brown-out sa North Cotabato.

Ito matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang dagdag na 8 megawatts na supply ng kuryente sa Cotelco.

Kung matatandaan abot sa walong oras na black-out ang nararanasan ng North Cotabato simula noong buwan ng Abril na ayon sa ilang opisyal ay isang “irony” dahil mismong ang North Cotabato ay host ng Geothermal Power Plant sa Mt. Apo, ang probinsiya pa ang mas mahabang power interruption. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento