NEWS UPDATES

2 sako ng bigas at libung halaga ng pera; ninakaw sa isang Sari-sari store sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Abot sa P5,000.00 ang nilimas sa isang Sari-sari Store sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Batay sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari ng nasabing tindahan na si Hipolito Reyes, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

Kasama ng biktima si brgy. Poblacion kgd. Ruperto Hinguillio na nagreport ng nasabing pangyayari kahapon.

Nabatid na nilooban ang tindahan ni Reyes ng mga di pa nakilalang mga suspetsado at natangay ang 2 sako ng bigas, iba’t-ibang mga dry goods na nag-kakahalaga ng P5,000.00.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento