Kinilala
ng Kabacan PNP ang suspetsado na si Eddie Camilosa, may asawa at residente ng
Lower Paatan, Kabacan, Cotabato na nahaharap sa kasong frustrated homicide sa
sala ni Judge Laureano Alzate ng RTC branch 22.
Si
Camilosa ay agad namang inaresto ng mga elemento ng Kabacan PNP at inilagay sa
kanilang kustodiya batay na rin sa warrant of arrest na kanilang hawak na may
case No. 08-181.
Samantala,
isa ring suspetsado sa pagnanakaw ang naaresto ng mga otoridad sa Municipal
compound ng Kabacan alas 8:15 kahapon ng umaga.
Nanguna
sa pag-aresto sina SPO1 Kenneth Garbin at P02 Michael John Yambao kay Czar
Ballo na resident eng Malatab, Antipas, Cotabato.
Si
Ballo ay nahaharap sa kasong qualified theft na may crime case No. 12-23 batay
sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Laureano Alzate ng RTC Branch 22 na may
petsang March 22, 2012.
Sa
ngayon, kapwa nasa Kabacan lock-up cell ang dalawa para sa tamang disposasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento