Ang
RP-US Balikatan exercises ay palabas lamang daw, ayon kay Ariel Casilao,
secretary-general ng Karapatan.
Tutol
ang Karapatan at iba pang mga progresibong grupo sa presensiya ng mga sundalong
Kano, simula nang aprubahan noong 2002 ang Visiting Forces Agreement o VFA.
SA
PANIG ng Armed Forces of the Philippines, sinabi ni Col. Leopoldo Galon, group
commander ng Civil Relations Services ng AFP-Eastern Mindanao, na malaki ang
maitutulong ng mga sundalong Kano sa maraming bagay.
Una,
magsasagawa ang mga Kano ng medical mission sa mahihirap na mga lugar sa
Mindanao; pangalawa, tutulong din sila sa konstruksyon ng mga tulay, kalsada,
at iba pang mga istruktura; at pangatlo, sasanayin nila sa markmaship ang mga
sundalong Pinoy.
Ayon
kay Galon, walang buti’ng idudulot ang pagtutol ng grupo’ng Karapatan at iba
pang militang organisasyon sa nagpapatuloy na RP-US Balikatan exercises.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento