NEWS UPDATES

Remnants ng mga Notorius Al-Khobar Group; itinuturong nasa likod ng pagpapasabog ng bus sa Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/April 13, 2012) ---Dalawang mga pinaniniwalaang mga remnants ng notorious Al-khobar group ang nasa likod ng pinakahuling pambobomba sa Carmen, North cotabato na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng 17 iba pa.

Ito ayon kay P/SSupt. Cornelio Salinas, Provincial director ng North Cotabato matapos na matukoy ng ilang mga testigo batay sa ipinakitang photos of gallery ng mga most wanted criminal sa Southwest Mindanao.


Bagama’t tumanggi ihayag ni Salinas ang pagkakakilalan ng mga suspetsado patuloy naman nila ngayong tinutugis ang mga salarin, ito upang di madiskarel ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Una na ring sinabi ni Salinas na Extortion ang posibleng motibo sa nasabing pagpapasabog sa Rural Transit Bus na may body number 2922 at plate number KVS-740.

Nitong Pebrero a-7, isa ring IED ang sumabog sa loob ng bus na nagresulta sa pagkakasugat ng isa katao. (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento