NEWS UPDATES

Opisyal ng isang brgy sa Kidapawan city; patay sa pamamaril

(Kidapawan City/April 9, 2012) --- Patay ang isang barangay kagawad nang barilin ng mga di pa nakilalang mga salarin alas 8:30 kagabi sa lungsod ng Kidapawan.

Kinilala ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Pedring Tuan, may asawa at residente ng Barangay New Meohao.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima sa harap ng Holy Mediatrix Cathedral sa bahagi ng National Highway ng biglang sumulpot ang mga riding in tandem na mga suspek at pinagbabaril ito
gamit ang kalibre. 45 na pistol batay sa mga empty shell na narekober sa crime scene.

Sa ulo at dibdib ang tama ng biktima na naging dahilan ng agara nitong kamatayan habang mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksiyon ng bayan ng Magpet, North Cotabato.

Blanko pa rin ang mga otoridad sa motibo ng nasabing pamamaril habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon. (Rhodz Benez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento