NEWS UPDATES

Mindanao posibleng makakaranas ng mahabang black-out sa susunod na linggo

(Kidapawan City/April 10, 2012) ---Posibleng dumanas ang Mindanao ng mahaba-habang blackout sa susunod na linggo.

Ito ay pagkatapos i-anunsyo ng Department of Energy o DoE na sa April 17 ay sasailalim sa preventive maintenance ang Pulangi-4 hydro-electric power plant na nasa Bukidnon province.
         
Ang planta ay nagsu-suplay ng kuryente ng halos 180 megawatts para sa Mindanao grid.

         
Ang mahaba-habang blackout ay tiyak makakaapekto na naman sa mga power consumers ng North Cotabato, sa particular, mga residente at negosyante ng Kidapawan City, ayon kay City vice-mayor Joseph Evangelista.
         
Inamin ng Cotelco na madadagdagan na naman ang kakulangan sa suplay ng kuryente para sa Mindanao dahil sa naka-schedule na power shutdown ng Pulangi-4 hydro electric power plant.

Posibleng aabot sa 300 hanggang 350 megawatts ang magiging power deficiency sa Mindanao na mangangahulugan ng mahaba-haba na namang brownout, lalo na sa mga lugar na ang electric cooperative ay walang pinagmamay-ariang generator.   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento