NEWS UPDATES

2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/May 1, 2012) ---Sugatan ang dalawa katao sa pagsabog ng granada sa Poblacion, Pikit, North Cotabato alas 5:10 kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP ang mga sugtan na sina Joreva Mariscal, 54, guro at Teresita Delicano, 30.

Dahil sa nasabing pagsabog nagdulot din ng kasiraan sa dalawang mga sasakyan na Kia Pride Sedan at isang Mitsubishi Pick-up.

Nangyari ang insedente sa Dandan St., partikular sa loob ng Compound ni Juliet Mariscar, treasurer ng Pagalungan, Maguindanao.

Sa ngayon, inaalam na ng Pikit PNP ang motibo ng panibagong pagpapasabog ng granada sa lugar.

Samantala, sugatan naman ang konduktor ng Weena bus makaraang  mahagip ng rumaragasang XRM motorcycle kahapon ng umaga sa harap ng Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

Tumawid umano ang nasabing konduktor sa daan ng di nito namalayan na may paparating na motorsiklo.

Kapwa nagtamo ng sugat ang driver ng motorsiklo at ang konduktor ng weena na mabilis namang isinugod sa Cotabato Provincial Hospital. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento