NEWS UPDATES

BREAKING NEWS! 2 patay, 5 sugatan sa pagsabog sa Carmen, North cotabato

(Carmen, North Cotabato/April 11, 2012) ---Isang pinaniniwalaang improvised explosive device ang sumabog dakong alas 10:40 ngayong umagal lamang sa Carmen public Terminal, Carmen, North Cotabato.

Sa panayam kay P/Ins Jordine Maribojo, 2 na ang napaulat na namatay habang lima naman ang sugatan.

Nabatid na galing ang nasabing rural transit bus ng btacurong papunta ng Cagayan de oro city ng papasok pa lamang ito sa terminal ng Carmen ay sumambulat ang malakas na pagsabog.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilalan ng mga namatay at mga sugata.

Habang nasa erya na rin ang EOD team para alamin kung anung klaseng pampasabog ang ginamit ng mga suspetsado.

Ang ilang mga sugatan ay dinala na sa amas provincial hospital habang ang iba naman ay nilapatan ng lunas dito sa bayan ng Kabacan. (Rhodz Benez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento