Dakong alas 7:05 kahapon ng umaga, sa
National Highway na nasa Brgy. Osias partikular sa stall na pag-mamay ari ni
Aldong Laoagan, nakumpiska mula kay Maye Campollo ang iba’t-ibang mga last two
paraphernalia’s na kabilang na dito ang: 2 stabs ng last two receipt, tally
sheet, bet money na nagkakahalaga ng P430, gamit na Cellphone at ballpen.
Samantala, huli din nila ang isang Richard
Baguhin, 26-anyos at residente ng Brgy. Katidtuan ng bayang ito kahapon ng
umaga.
Nakumpiska mula kay Baguhin ang last two
record book, tatlong piraso ng last two tally sheet, 2 stabs ng last two
receipt at cash money na nagkakahalaga ng P600.00.
Kapwa inilagay naman ang dalawa sa kustodiya
ng Kabacan PNP.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento