Kaugnay nito, agad na bumuwelta ang tagapagsalita ng ANAKBAYAN-Arakan Chapter na si Jeffrey Cuyno laban sa pahayag ni Col Galon, aniya isa umano itong porma ng political harassment sa kanilang grupo at sa kanilang miyembro bilang isang lehitimong organisasyon.
Bahagi ito ng implementasyon ng counter insurgency na Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino na ang layunin ay patahimikin ang mga grupong kritikal sa kanyang mga anti-mamamayan na polisiya at programa”.
Dagdag pa ni Cuyno, “ na desperadong hakbangin umano ito ng 57th IB dahil sa kanilang panawagan na paalisin na sila sa kanilang lugar dahil sa tuloy-tuloy ng mga paglabag sa karapatang pantao lalo na ang pagpatay kay Fr. Pops Tentorio , Ramon Batoy at iba pang sibilyan sa lugar .”
Sa nasabing forum nag-walk-out ang humigit kumulang isang libong estudyante bilang protesta sa pahayag ng resource speaker.
Ayon din sa mga estudyante ng CFCST, may mga pagkakataong nakikita nila ang mga miyembro ng militar na pumapasok sa kanilang campus na may mga bitbit na baril na nagdudulot ng takot at pangamba sa mga estudyante.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento