NEWS UPDATES

Batang babae sa Pikit sugatan makaraang mabundol ng sasakyan

Sugatan ngayon at nagpapagaling sa hospital ang isang Syra May Villarubia, bunsong anak ni Mr. Serio Villrubia, at residente ng Ladtingan Pikit Cotabato, matapos itong mabundol ng single kawasaki Bajaj Motorcycle noong lunes bandang alas siyete ng umaga. 

Ayon sa Pikit PNP ang naturang single motor ay manamaneho ni Abarientos Bantugan, isang menor de edad at residente ng brgy.Macabual, pikit, ito ay ayon sa report na nakuha ni dxvl news researcher jerry saac.

Nagkasundo nman ang magkabilang panig na hindi na magsampa ng kaukulang kaso sa kondisyong sasagutin ng ang lahat ng babayarin ng biktima habang itoy nagpapagaling sa hospital.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento