NEWS UPDATES

July 25, 2011

Mga mag-aaral ng USM at ilang mga progresibo at militanteng grupo ng Kabataan; umaasa na madagdagan ang budget sa Edukasyon sa gagawing SONA ng Pangulo

Umaasa ang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao kasama na ang mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan na ihahayag ng Pangulo Noynoy Aquino III sa kanyang State of the Nation Address mamaya na madagdagan ang budget para sa edukasyon.

Ito ay ayon kay Southern Mindanao Anak Bayan spokesperson Cheri Orendain kungsaan ihahayag ng Pangulo ang kanyang National Appropriation budget taong 2011-2012 sa gagawing SONA ngayong araw.


Sinabi ni Orendain na abot sa mahigit kumulang sa tatlong daang libo o katumbas sa 1.9 % ang nabawas sa Maintenace and other Operating Expenses o MOOE ng USM, dahil sa budget cut sa edukasyon.

Giit pa nito na dapat, hindi zero ang capital outlay ng mga state Universities and Colleges dahil sa lumulubong bilang ng mga mag-aaral sa mga eskwelahan sa ngayon, ito ay para makapagpatayo ng mga bagong gusali at iba pang imprastraktura.

Kung sakaling, ihahayag ng Pangulo na may budget cut sa edukasyon o walang dagdag na pondo, hinikayat ni Arendain ang mga mag-aaral na makilahok sa kanilang malawakang kilos protesta para maipahayag ang kanilang karapatan para sa edukasyon. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento