NEWS UPDATES

Manicurista, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 29, 2015) ---Patay ang isang 33-anyos na manicurista makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Purok Krislam, Mantawil St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 3:00 kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Analyn Degobaton Varona, 33-anyos at residente ng Brgy. 7, Bual, Midsayap, North Cotabato.

Batay sa inisyal na ulat, habang nasa harap ng residence ni Joey Lebag ang biktima kasama ang customer nito na di pa nakilala ng bigla na lamang nilapitan ng dalawang di pa nakilalang suspek lulan ng motorsiklo si Varona at pinagbabaril ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa pisngi ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang 2 empty shell ng kalibre .45 na pistol.

Nang makitang bulagta na ang biktima, agad na tumakas ang suspek sa bahagi ng Sitio Lote, Brgy. Kayaga ng bayang ito.


Inaalam pa ngayon ng Kabacan PNP kung anu ang motibo sa nasabing krimen habang patuloy pa nilang tinutugis ang mga suspek na responsable sa krimen. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento