NEWS UPDATES

2 guwardiya, huli sa isinagawang kapkap bakal

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2015) ---Huli ang dalawang guwardiya ng isang superstore sa ginawang Oplan Kap-kap Bakal na ikinasa ng Kabacan PNP sa ELCID video-K house USM Avenue Kabacan Cotabato kaninang alas 12:20 ng madaling araw. 

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang mga suspek na sina Jackson Gabayan Beda, 21 anyos, binata at residente ng Brgy. Malanduage, Kabacan, Cot. at Rafael Ramos Barbero, 27 anyos, binata at residente ng Brgy New Abra, Matalam, Cotabato.

Ang dalawa ay kapwa mga security guard ng Sugni Superstore Kabacan at miyembro ng Mesda Security Agency.

Nakuha kay Beda ang 1 unit ng calibre 38 revolver na walang seriel number at loaded ng 4 na pcs ng cartridge.

Samantala nakuha naman kay Barber ang 1 unit ng calibre 38 revolver na walang serial number at loaded ng 3 na pcs ng cartridge.

Sa initial na imbestigasyon ng Kabacan PNP inabandona umano ng 2 guardiya ang kanilang duty sa Sugni at nag inuman sa Elcid Video-K house.

Nabigong magpakita ng security guard license at mga dokumento para sa baril na dala ang mga suspek. Kasalukuyang nasa Kabacan lock-up cell ang mga suspek habang di pa naareglo ang kanilang kaso.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento