NEWS UPDATES

Mindanao wide Skills sa IT at Tourism sector competition, isinasagawa sa USM

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Isasagawa  ngayong araw dito sa University of Southern Mindanao ang Provincial at Mindanao wide Skills Competition na pangungunahan ng College of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS at ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Cotabato na gagawin sa USM gymanasium.

Ayon kay event coordinator Shirl Mae Malacad Bebit na handing-handa na ang kanilang pamunuan para sa gagawing competisyon.

Iba-ibang mga patimpalak ang gagawin sa larangan ng tourim kagaya ng  Bartendem, Cake Decorating, Buffet Center Piece Arrangement, Fruit and Vegetable Carving habang sa IT sector naman ay ang IT Network, IT software, web design, Mechanical CAD at graphic design.

Ayon kay TESDA Provincial Director Engr. Florante Herrera na ang aktibidad ay bahagi ng ika-100 taong anibersaryo ng probinsiya.

Kaugnay nito todo naman ang paghahanda ng kolehiyo sa pamumuno ni Dean Dr. Urduja Nacar hinggil sa nasabing aktibidad. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento