NEWS UPDATES

Magsasakang nahaharap sa kasong homicide, boluntaryong sumuko sa Arakan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Bulontaryong sumuko ang isang magsasakang nahaharap sa kasong homicide sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Arakan, Cotabato kahapon.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang sumukong si Hernei Jangco Teves, 52-anyos at residente ng Datu Ladayun, Arakan, Cotabato.

Ang suspek ay sumuko sa tulong ni Kapitan Jonathan Ramirez at agad na tinurn-over sa himpilan ng pulisya.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong homicide na isinampa sa kanya sa RTC Branch 17 sa ilalim ni Hon. Judge Alvin Sadiri Balagot, RTC Branch 17 na may criminal case number 1989-14.

Ang akusado ay nagbigay ng piyansa para sa pansamantalang pagkakalaya nito, ayon sa report. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento