NEWS UPDATES

Kaso ng Dengue sa Kabacan, bumaba!

(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Malaki ang ibinaba ng kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan nitong nakaraang buwan.

Ito ang nabatid sa datos na inilabas ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Sinabi ni Cabellon na tatlong dengue cases lamang ang kanilang naitala sa buong buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Mas mababa ito kung ihahambing sa 6 na kaso ng nasabinbg sakit noong buwan ng Setyembre.
Batay sa Datos ng Rural Health Unit tatlong barangay ang apektado ng naturang sakit: Cuyapon, Kayaga at Osias.

Kung ikukumpara sa kaparehong quarter ng nakaraang taon, mas mababa na ngayon ang nagkakasakit dahil sa dengue sa Kabacan, pero sa kabila nito nasa alert pa rin ang bayan sa nasabing sakit, ayon kay Cabellon.

Bukod sa dengue may ilang sakit naman ang namonitor ng Disease Surveillance sa iba’t-ibang mga hospital ng bayan kagaya ng syphilis, Hepatitis B, Typhoid, trangkaso at Bacterial Meningitis. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento