NEWS UPDATES

Silver Anniversary ng IMEAS-USM; pinaghahandaan na!

(USM, Kabacan, North cotabato/ June 20, 2013) ---Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan ng Local Government Student o LSG ng Institute of Middle East and Asian Studies o IMEAS-USM ang nalalapit na ika-25 taong anibersaryo ng institusyon.

Ayon kay IMEAS-LSG Governor Lahmodin Balabagan kasabay ng anniversary program ay gagawin din ang kauna-unahang grand alumni homecoming sa Hunyo a-29 ng kasalukuyang taon.


Suportado naman ni IMEAS Dean Dr. Abubakar Murray ang nasabing aktibidad.

Nakasentro ang selebrasyon sa temang “Reaching for Silver Lining: 25 Years of Upholding Relevant Tertiary Education in the field of Islamic Education and International Relations”.

Kaugnay nito, puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda ng IMEAS LSG sa tulong ng kanilang adviser na si Abdulgani Yusop.

Gagawin ang programa sa Salipada K. Pendatun Hall, IMEAS, USM, Kabacan, Cotabato.

Sa nasabing programa, imbitado ang lahat ngmga indibidual na nagging bahagi ng adbokasiya sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon mga kabataang Mindanaoan. (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento