NEWS UPDATES

Operasyon Kapkap Bakal, pina-igting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/June 14, 2012) ---Huli ng Kabacan PNP sa isinagawa nilang kapkap bakal sa mga video K Houses na nasa Poblacion, Kabacan, Cotabato ang isang Johny Berdin Ligan na may dalang  kalibre .45 na pistol alas 10:50 kagabi.   
                                        
Bigo umanong makapag-presinta si Ligan ng mga kaukulang dokumento hinggil sa kanyang dinadalang baril na may 11 mga live ammos.
                                
Agad namang dinala ang suspek sa himpilan ng Kabacan PNP habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.       
                                                        
Nanguna sa pag-aresto sa suspek si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP sa kanilang mas pinag-igting na kampanya kontra anumang krimen sa Kabacan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento