NEWS UPDATES

Nagwalang Pulis sa Kidapawan City, nanganganib na matanggal sa serbisyo

(Kidapawan City/ July 9, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kaso ang isang pulis buhat sa President Roxas PNP matapos na magwala at tumangging magbayad sa isang establisyemento sa Kidapawan City.

Kinilala ni Cotabato Provincial Police Office o CPPO spokesperson PCI Bernard Tayong ang nirereklamong pulis na si PO1 Peter Maurice Daquipa na sinampahan ng kasong Estafa at Grave threats.


Dahil dito, nanganganib na masibak sa serbisyo ang walang modung pulis oras na maibaba ng Police Regional Office 12 General Santos city ang relieve order laban kay Daquipa.

Ngayong araw, nakatakda namang humarap sa korte si Daquipa habang patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Napag-alaman pa sa report na gabi noong July 6 nang ireklamo ng may ari ng isang establisiemento sa Kidapawan City si Daquipa matapos mag inuman doon kasama ang ilang kaibigan.

Bumaba umano ito sa nasabing tindahan at nang singilin na sa halip na magbayad ay tumanggi ito at sinubukan pang bunutin ang kanyang baril kaya natakot ang mga trabahante at nagkagulo sa lugar. Rhoderick BeƱez




1 komento: