(Matalam, North Cotabato/ June 30, 2014) ---Patay
ang isang 46-anyos na laborer makaraang barilin mismo ng kanyang pamangkin sa
nangyaring pamamaril sa harap ng Brgy. Social Hall sa Brgy. Estado, Matalam,
North Cotabato alas 6:00 kagabi.
Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng
Matalam PNP kinilala ang biktima na si Alberto Candole Eglisia, 46, habang
kinilala naman ang suspek na mismong pamangkin ng biktima na si Mario Eglisia,
35-anyos kapwa residente ng nasabing lugar.