NEWS UPDATES

Isa sa mga ekstorsyonista sa North Cotabato; tiklo ng mga otoridad

(Midsayap, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang pinaniniwalaang extortionist na nambibiktima ng mga negosyante sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa report ng Pulisya, kinilala ang suspek na si Glen Perolin, 44-anyos na taga Barangay Gli-gli sa bayan ng Pikit.


Batay sa ulat na nakalap, nagsumbong sa pulisya ang negosyanteng si Fred Rapacon na may-ari ng isang Palay buy and sell sa Midsayap matapos hingan umano ni Perolin ng abot sa 70 libong piso.

Sinabi ni Rapacon sa mga otoridad na, binantaan umano ng suspek ang kanyang buhay kung hindi ibibigay ang pera.

Agad namang naaresto si Perolin sa isinagawang operasyon ng pulisya.

Bagama't nakapiit na, todo tanggi pa rin ang suspek na nangikil siya sa negosyante. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento