NEWS UPDATES

BIFF umatake sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 15, 2013) ---Inatake ng pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kampo ng Moro National Liberation Front o MNLF sa Barangay Kidama, Matalam, North Cotabato kahapon.

Ayon sa tagapagsalita ng 602nd Infantry Brigade Captain Antonio Bulao, hepe ng civil military operations sinunog ng mga BIFF na may kaugnayan sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang bahay ng ilang kasapi ng MNLF na nagmitsa sa muling sagupaan sa lugar.


Pinamumunuan ni Kumander Alimansur Imbong ng MILF 108th command ang nasabing labanan na nagresulta sa pagkakalikas ng 70 pamilyang matapos na maipit sa nasabing kaguluhan.

Ang barangay na inatake ng grupo ay teritoryo ng MNLF, ayon sa report.

Sinunog pa ng mga rebeldeng grupo ang bahay ng isang kasapi ng MNLF at binaril ang alagang Kalabaw nito.

Matapos maisakatuparan ng mga rebeldeng grupo ang kanilang masamang balakin ay umatras ang mga ito sa barangay Marbel sa nasabing bayan.

Ang ginawang pagsalakay ng MILF at BIFF sa nasabing lugar ang nagpainit ngayon ng tensiyon sa pagitan nila kumander Datu Dima Ambil ng MNLF Sebangan Kutawato Revolutionary Committee (MNLF-SKSRC).

Rido at clan feuds ang isa sa mga pinag-ugatan ng kaguluhan sa bayan ng Matalam na nagsimula pa noong Mayo-6. (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento