(South Cotabato/ January 4, 2015) ---Dead-on-the-spot
ang isang lalaki makaraang paulanan ng bala ng riding in tandem sa tahanan nito
sa Purok Bonifacio, Bario 5, Banga, South Cotabato kahapon.
Kinilala ni PO3 Chrislino Arang, ng Banga PNP, ang biktima na si Dave Lemuel Leonida
Mendiola, 26, binata at residente ng lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon, kumakain umano ito sa loob
ng kanilang tahanan ng dumating ang
dalawang suspek na nakasakay ng kulay asul na motorsiklo na walang plate
number.