(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2013) ---Pinagbabaril
ng di pa nakilalang suspek ang isang 25-anyos na lalaki sa Sinamar 2,
Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Michael
Galay residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga
pulisya pinaulanan ng bala ang suspek habang nasa labas ito ng kanilang bahay,
15 metro ang layo.