Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kusinero ng Kabacan PNP; pinagbabaril patay!

(Kabacan, North Cotabato/June 8, 2012) ---Dead on Arrival sa Kabacan Medical Specialist ang kusinero ng Kabacan PNP makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang mga suspek sa Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 5:30 kaninang umaga.

Negosyante kritikal matapos pagbabarilin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 7, 2012) ---Kritikal ngayon ang isang 47-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin sa may harap ng tindahan na nasa Jacinto St., Public Market, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas  11:44 kaninang umaga.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Evelyn Diaz, 47-taong gulang, businesswoman at residente ng Mantawil St., Poblacion, ng nabanggit na bayan.

Isang 28-anyos na lalaki, huli sa buybust operation ng mga otoridad

(Kabacan, North Cotabato/June 7, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 28 taong gulang na lalaki makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation ng mga elemento ng Kabacan PNP sa isang boarding house na nasa Corner Matalam st. at Mercado St., Poblacion alas 4:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang nahuli na si Frances Magno Santos Jr., residente ng nabanggit na lugar.


P300.00 ang marked money na ginamit sa buybust operation na ginamit ng pseudo buyer, kungsaan batid ng mga otoridad na positibong nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga na pinaniniwalaang shabu ang suspetsado.

Mga sundalo ng 57th at 62nd IB nakiisa sa Brigada Eskwela sa mga bayan sa North Cotabato na itinuturing na ‘impluwensiyado’ ng NPA

(Makilala, North Cotabato/June 4, 2012) ---Para higit na mapalapit sa taong-bayan, lalo na sa mga lugar sa North Cotabato na itinuturing na ‘impluwensiyado’ ng mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA, nakiisa sa Brigada Eskwela ang mga sundalo na miyembro ng 57th at 62nd Infantry Battalion.
         
Nagtapos kamakalawa ang Brigada sa mga bayan ng Magpet, Makilala, President Roxas, Antipas, Arakan, at sa Kidapawan City.

Tatlong mga bata na nalunod sa Nuangan River sa Kidapawan City na-rescue

(Kidapawan City/June 4, 2012) ---Nailigtas ng mga first aid responders mula sa Kidapawan City ang tatlong mga bata na natangay ng malakas na agos ng tubig-baha sa Nuangan River, kamakalawa.
         
Kinilala ni Psalmer Bernalte, pinuno ng Kidapawan City Emergency Response Unit o KIDCERU, ang mga nailigtas nila na sina Jayson Campomanes, 11; Edian Galinato, 8; at Vincent Bechayda, 10, pawang mga residente ng Llanderal Subdivision, Barangay Magsaysay.

Approval ng medical assistance project MOA, hinihintay ng NCot 1st District office

(Midsayap, North Cotabato/June 4, 2012) ---Nais ngayong ipa-alam ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na hindi pa nito hawak ang opisyal na memorandum of agreement o MOA mula sa provincial government kaugnay sa pagpapatuloy ng medical assistance project sa distrito uno ng lalawigan.

Pagbubukas ng klase, babatiin ng matinding pagkilos

(Kabacan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Babatiin ng matinding pagkilos ng mga militante at progresibong grupo  ang pagbubukas ng klase ngayong linggo upang kalampagin ang administrasyong Aquino at ang Commision on Higher Education o CHED na maging determinado at maagap sa pagtutok sa lumalalang kalagayan ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Dalawa sugatan sa salpukan ng mga motorsiklo sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Kapwa tumilapon sa kani-kanilang minamanenehong motorsiklo ang dalawang lalaki matapos magsalpukan sila sa gitna ng highway sa Barangay Poblacion sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, alas-730 ng umaga, kamakalawa.
         
Sugatan sa salpukan sina Sgt. Roni Pancho ng 57th Infantry Battalion ng Army, at Ronilo Selda, 44, na residente ng Barangay Sibsib, Tulunan.

2 katao huli sa aktong nag-pa-pot session sa isang bahay sa Kabacan; timbog ng mga otoridad

(Kabacan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Tiklo ng mga elemento ng Kabacan PNP ang dalawa katao makaraang mahuling naghihithit ng illegal na droga sa isang bahay na nasa Zamora St., at Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong Biyernes.

Bantay Eskwela; ilulunsad ng Kabacan PNP kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw; Hotline ng USM Security Force, binuksan na rin

(Kabacan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw, ilulunsad rin ng Kabacan PNP ang Bantay Eskwela para tiyaking maayos ang pagbabalik eskwela ng libu-libong mag-aaral dito sa bayan ng Kabacan.

May ilalagay na mesa ang mga otoridad sa harap ng Kabacan Pilot Elementary School para sa mga reklamo at sumbong ng mga mag-aaral sa pagsisimula ng klase ngayong araw.

Mahigit sa P9,000 naabu sa nangyaring sunog sa isang gulayan section sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Abot sa mahigit kumulang sa P9,000 ang danyos sa nangyaring sunog sa gulayan section na nasa Kabacan Public Market nitong gabi ng Sabado.